EASTER SUNDAY or LINGGO NG PAGKABUHAY o Pasko ng Pagkabuhay

PINOY SIMPLE LIFE

 Bago ako magsimula, gusto ko muna kayo batiin ng Happy Easter o Maligayang Pasko ng Pagkabuhay...
Anu Ba ibig sabihin ng Easter Sunday, Linggo ng Pagkabuhay o Pasko ng Pagkabuhay?
Isa lang ang ibig sabihin nito sa mga katolikong katulad ko, ito ay muling pagkabuhay ni Kristo. Isang pag-asa at pagpapatoo na si Kristo ay Diyos  nabuhay namang muli at umaakyat sa langit.. 
 Ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ay nagbigay pag-asa sa kanyang mga alagad na ipagpatuloy at ihayag ang pag-kaDiyos ng ating Panginoon. Ito ay isang patotoong siya ay Panginoong nabubuhay hanggang ngayun at magkapailan pa man..
Ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon Hesukristo ay para sa akin ay sumisimbolo din ng lahat ng paghihirap ay mayroon  ginhawa at kaligayan. Dumaan Siya sa lahat ng paghihirap upang tubusin ang ating kasalanan, matapos ang lahat ng ito Siya ay nabuhay upang makapiling ang Ama. Ang makapiling ng Anak ang Ama ay masasabing isang pinakamasayang pangyayari sa ating Panginoon.. 

Alam ko ang pakiramdam nun kase bata pa lang ako wala na ang aking Ama, marahil sa kabilang buhay ay sana makasama ko siya.. Yun na yata sa tingin ko ang napakasayang pangyayari kung sakali..

Ang mga tao ay hinimok na huwag mawalan ng pag-asa kahit  gaanong karaming pagsubok ang dumaan sa buhay natin, dahil Siya ay laging nariyan, hindi namatay si Kristo, pinakita lang sa ating ng ating Panginoon na kahit ang bugtong Niyang Anak ay dumaan din sa paghihirap at kahit ito ay naranasan ng ating Panginoong Hesukristo hindi siya sumuko sa bagkus hinayaan niyang ipako siya sa Krus at matubos ang ating mga sala. Matapos nito mula sa kamatayan siya ay muling nabuhay at umakyat sa langit. 
Lahat ng paghihirap ay may hangganan at sa kanyang pagbabalik kung tayo'y ginawa ang Kanya habilin lahat tayo ay maliligtas sa lahat ng bagay na maaring makapahamak sa atin . Ito ang pinangako ng ating Panginoon... Hawakan natin ito at siguradong hindi tayo malalayo, maliligaw, mapapahamak at dahil tayo ay mahal ng mahal ng Diyos. Yan ang iyong tatandaan. 

Ikaw ay nilikha dahil sa misyon nakaatang sayo, ikaw mismo ang kailangan makatuklas kung ano ito, kausapin mo ang Panginoon kung ano ito? Tanungin mo siya? at simulan mo na ito ngayun.