Internet

Ang laki talaga ng impact sa akin at di lang sakin ang internet world. Minsan di mo napapansin may ni hindi ka na gumagalaw sa upuan mo. Lalo na ang pinsan ko eh halos di mo na makausap dahil may sariling mundo. Buti nalang ako konti lang. Heheh.

Bakit nga ba ganun nalang kalaki ang ipekto nito sa atin? Ako sa akin pagninilay kaya ganun nalang kase grabe naman talaga narito na ang lahat, kaibigan, ka-ibigan, pwede yung ibig mo, alam mo nay un. Di mo alam? Edi ano pa Porn. Di halos lahat. Saka di lang yung para bang ito’y isang mundo na kaya mong sabihin at ipaalam ang lahat ng iyong saloobin. Katulad ko ang ginagawa ko ngayun. Bukod sa enjoy kana- hindi sa pornmarahil yung iba, heheh.-napapakita mo pa kung sino ka. Halimbawa sa Yahoo Messenger. Di may yahoo ID, dun palang kilala mo na ang pagkatao ng kachat mo, may ID na bastos, pangalan nilang dalwa ng syota nya, pangalan na gusto nilang itawag sa kanila, at ang pinaka simple pangalan mo. Eto bukod dun pwede di ka magpakilala, yun ka ayaw mong masyado kang sikat. Di ba huli ang ugali. Wow galling talaga ng internet world. Talo pa Cellphone. Halimbawa nalang sa Friendster naman o kaya sa Multiply. Sa profile pwede mong ibahin ang layout para maipakita mo kung sino ka o anung hilig mo, yung ngang iba eh, nakakatawa, nakakadiri, nakakainis, nakakalibog ang mga profile. Di ba pagpapakita ito na malaya ka sa internet you can do what you want. Hay naku grabe talaga.

Maganda ang internet world masaya dito, malaya at pwede mong gawin ang gusto mong gawin sa harap ng kompyuter mo o ipaskil, upload ang gusto mong gawin. Minsan nga lang di mo napapansin baka nalululong ka na sa Mundo ng Internet. Paalala lang ang mundo ito ang hindi totoo. Ngunit pwede Makita mabasa, hinay hinay sa pag gamit ng Malaya mundong ito baka ka balikan ng mundong iyong kinalolokohan. Malabo man ang aking gusto iparating, marami naman paraan sa mundo ng internet para malaman mo ang gusto iparatin mag search ka nalang. Pagod na akong mag-explain total Malaya naman itong mundo ng internet. Hehehhe.