WHY PEOPLE JUDGE ME?




















Minsan kung tawagin nila ako comedy, joker, kwela. Pero ang iba ang tingin sa akin tanga, bobo, kulang kulang, baliw, may pagka. Sa akin walang masama sa mga yun. Kung ano man ang tingin nila. Ang pinakamahalaga sa akin ay masaya ako kapag nakakarinig ako ng tawa na nagmumula sa mga kaibigan ko. Tawa dahil natutuwa, nagtataka, nabibigla o kahit ano pa yan. Hindi mahalaga sa akin kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa pagkatao ko dahil ito ako at di nila ako lubusang kilala.

Ang tao ay hindi mo pwedeng husgahan kung pano sila kumilos, kung ano ang hitsura nila. Hanggat di mo sya lubusan kilala wala silang karapatang husgahan ka. Ni kilala mo sila o di man wala silang karapatan, lahat tayo ay may karapatan na kumilos at mabuhay ayon sa ating mga pinaniniwalaan magbibigay ligaya sa ating pagkatao.

Nabubuhay ako sa sarili kong paa, katawan at bibig. Kung ano man ang landas na aking tatahakin, ano mang kilos ang aking gagawin at ano mang salita ang magmula sa akin ito ay aking ibig. Hindi mo man ito nagustuhan ipagpatawad mo, masaya ako dahil masaya ang ilan. Ang ilan na nagbibigay sa akin ng pagkatao, Inaangat man ako oh hindi, ngiti at tawa ang nagbibigay sa akin ng lakas. Lakas na nagbibigay sa akin para ipagpatuloy ko ang laban ng buhay.

Pag-intindi at pang-unawa ang mahalaga sa bawat isa, hindi pera o ano pa man. Pag-ibig at tunay ng pagpapahalaga sa bawat isa ang siyang nagbibigay ngiti at tawa na hindi mo maaring ipagpalit. Kaligayahan ko at kayaman ang ngiti at tawa nyo na handa ko ipagpalit sa buhay ko hanggang kamatayan.

Ikaw handa ka bang magpangiti ng iba sa pamamagitan ng kahinaan mo, o kalakasan mo? Pagnagawa mo ito, mararamdaman mo ang ligayang nadadama ko