KATAMARAN!!!

Eto yata ang araw ko ng katamaran, matapos ang sabado at linggong kasipagan ngayon lunes tinatamad ako. Ewan ko ba? Ang daming nangyari nitong dalwang araw na nagdaan na kailangan kong unawain at pag-isipan. Heheh. Hindi naman medyo matindi ang pangyayari may konting drama at saya. Hindi maalis sa atin ang magkaroon ng sama ng loob, ngunit ito rin ang magdadala sa atin ng kapamahakan. Buti nalang walang may sama ng loob sa akin, ang tanging alam kong may sama ng loob sa akin ay ang aking reviewer at exam. heheheh.


Sa buhay natin kailangan marunong tayong magpatawad, ang mga bagay na nakaraan ay dapat iwanan dahil masakit itong dalhin sa puso. Bigyan ko kayo ng tip kung paano magpatawad:

1. Kalimutan ang lahat ng maling ginawa nya;

Bakit? kaya mo nga sya papatawarin eh kakalimuta mo na ang maling ginawa nya. Kase hindi mo sya kayang patawarin kung patuloy mong maalala ang maling ginawa nya sayo. Eto siguro ang masasabi mo sa akin. Mapapatawad mo ba ang taong sobrang nakasakit sayo? hay naku kung yan ang maririnig ko ibig sabihin hindi mo ginagawa ang sinabi ko kase ayaw mong kalimutan ang maling ginawa nya.

2. Mahalin syang muli o mahalin mo ang kaaway o ang taong gumawa sayo ng masama;

Hoy kung kaya mong mahalin ang ate mong sasakan ng sama ng ugali at ang kuya mong sobrang siraulo at ang nanay mong sobrang tigas ng mukha. Na paulit-ulit mong minamahal at patuloy na gumagawa ng mali. gawin mo ito sa ibang tao at siguradong wala kang magiging kagalit. Ang ibig kong sabihin ay ang tunay na pagpapatawad ay tunay na pagmamahal sa kapwa. Hindi dahil gusto mo lang syang kalimutan. Ang kalimutan mo ay yung maling ginawa nya.

3. Maging bukal ang pagpapatawad at pang-unawa tulad ng Diyos;

Wow may sense yata ang blog ko ngayon heheh. Mas mainam na gawin ipagdasal mo pagkatapos mong gawin ang una at pangalawa kong payo....


Eto ang pinaka huling advice ko, kung talaga ayaw mong makinig at galit na galit ka sa kanya subukan mo itong huli...


1. bugbogin mo sya

2. sunogin mo sya

3. hagisan mo ng granada

4. patayin ng husto


pag sinunod mo ito, sigaradong sigaradong isang malaking baliw, walang lohikal na pag-iisip. Kung ikaw ay may kunsensya maging sino ka man. Hindi mapapantayan ng sugat ng katawan ang sugat ng puso kaya walang magagawa ang paghihiganti upang magamot ang sugatang puso, ah este ang sugatang pride. Mag-isip kayo mga hayup kayo, ang tatanga nyo pag nakikipag-away, buti nalang tinatamad akong pumasok kung nagkataon hindi ako nakagawa ng blog para sa inyo mga nemic.
Joke ang mahalaga sa mundo ay peace of mind and prosperity... Kayo nalang umintindi ng prosperity di ko alam sa tagalog eh. Ang alam ko lang peace of mind, hehehheehh