LIWANAG NG UMAGA


Pag bukas ng aking mata ngayun umaga, nakita ko ang liwanag sa aking bintana. Na animo'y nagpapahiwatig ng init ng panahon upang magsipag at kumilos. Hindi ko na pinatagal na ako'y masikatan, dalidali akong bumangon sa aking higaan. Tiniklop ko ang aking kumot at humarap sa salamin, upang pagmasdan ang mukha kong puno ng tigyawat, ngunit salamat sa salaming maliwanag, bakas nalang ng namumula kong tigyawat ang nagpakita.

Oh liwanag ng umaga, sa akin ay nagpasigla ng aking matanaw ang isda ng aking pamangkin lumangoy sa sa bilog na salamin. Ang mga ibong pana'y ang awit sa umagang kay ganda, nagpapasigla sa akin tuwina. Nagpunta akong kusina upang kumain, nakita ko sunog na karneng nakahain at tinapay na may itlog. Matapos kumain nagtipla ng kapeng nabibigay lakas at sigarilyong nagpapadulas sabay upo sa trono kong paraosan ng sama ng loob. Oh ang ligaya ng aking pakiramdam sa umagang kay liwanag na aking nasilayan. Matapos iyon, nagmamadali ako na umakyat sa kwarto upang maikwento ang munti istorya ng liwanag ng umaga. HEHEHEH sana masayahan kayo.