CELLPHONE

Ilang beses na akong nagkaroon ng cellphone pero di parin ako makontento? marahil isa ka sa mga taong nagsasabi nito sa sarili.

Sa panahon ngayon malaking bagay na nga ang cellphone sa ating buhay kung dati TALK AND TXT lang ang silbi ng cellphone pero ngayon madami ng gamit ang cellphone. Nagkaroon muna ng games, usong uso ang games sa cellphone na snake. Nauso din yung paltan ang back light.

Madami ng nadagdag sa silbi ng cellphone nagkaroon na rin ito ng camera, video cam at mas maganda sa technolohiyang ito mas napadali ang pagkonekta sa internet.. 

Totoo malaking silbi ang cellphone sa ating pang-araw araw na buhay. 

Madami mang bagong hitsura at silbi ang cellphone huwag nating kakalimutan na ang totoong halaga ng cellphone at makaroon tayo ng connection sa mga mahal natin sa buhay at importante tao sa ating buhay. Gamitin ito ng tama at huwag sa mali.. Hindi natin alam kung anung bagong imbensyon ang dadating sa susunod na panahon. Pero isa lang ang sigurado mas maganda at mapapakinabangan ng tao ang susunod sa Cellphone.