GANDA GABI VICE WITH PRESIDENT AQUINO

Nakakatuwang isipin na ang pangulo ng Pilipinas ay nag guest sa isang talk show. Nakakatuwang panoudin si VICE GANDA with PRESIDENT BENIGNO AQUINO. Nagpapakita lang ito na ang Pangulo ng Pilipinas ay bukas kahit kanino. Ito ay isang pambihirang pagkakataon makita ang pangulo ng Pilipinas na sumasagot mga casual na tanung mula sa isang Host na comedian.



Nakakahanga si Vice Ganda sa pagtatanung parang ordinaryong tao lang ang kausap niya. Walang katakot takot sa mukha ni Vice Ganda ang pagtatanung, nakakatuwa talaga dahil nagawa niyang tanunging si PNOY na walang kalatoy.  

Natanung di niya din ang tungkol sa buhok nya kung bakit nagkaganyan.. Walang kabog kabog na sinagot ito ni Pnoy. Maganda at siguradong papatok ito sa mga manunuod. Hindi lang dahil kay Pnoy dahil din sa mga tanung ni Vice Ganda.

Madami silang pinag-usapan na ikakatuwa ng mga manunuod at mas makikila ang ating Pangulo.  Sana ang palabas na ito ay maging daan sa mga Pilipino na maunawaan ang isang pangulo na di lang puro trabaho sila at kailangan din nila ng kasiyahan. 

Simpleng kwentuhan ang napag-usapan pero sobrang nakakatuwa ang mga pinag-usapan. Masayang pagsalubong ito sa 2015. 

Mabuhay ka Vice Ganda at Pangulong Benigno Aquino.